O nagsasabi ba sila na ginawa-gawa niya ito? Sabihin mo: “Kaya magdala kayo ng isang kabanatang tulad nito at tumawag kayo ng sinumang nakaya ninyo bukod pa kay Allāh, kung kayo ay mga tapat.” Yūnus 10:38 ⧉
Tafsīr:
Bagkus nagsasabi ba ang mga tagapagtambal na ito na tunay na si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay lumikha-likha ng Qur'ān na ito mula sa sarili niya at nag-ugnay nito kay Allāh? Sabihin mo, O Sugo, bilang tugon sa kanila: "Kung nagdala ako nito mula sa ganang akin samantalang ako ay isang taong tulad ninyo, magdala kayo mismo ng isang kabanatang kabilang sa tulad nito. Tumawag kayo ng sinumang nakaya ninyong tawagin para umalalay sa inyo, kung kayo ay mga tapat sa inaangkin ninyo na ang Qur'ān daw ay nilikha-likhang kasinungalingan. Hindi kayo makakakaya niyon. Ang kawalan ng kakayahan ninyo – kayong mga mahusay ang dila at mga panginoon ng katatasan – ay nagpapatunay na ang Qur'ān ay pinababa mula sa ganang kay Allāh."