Ikinasi kay Noe: “Hindi sasampalataya kabilang sa mga tao mo kundi ang sinumang sumampalataya na, kaya huwag kang mahapis sa anumang dati nilang ginagawa. Hūd 11:36 ⧉
Tafsīr:
Nagkasi si Allāh kay Noe: "Hindi sasampalataya kabilang sa mga tao mo, O Noe, kundi ang sinumang sumampalataya na noon pa, kaya huwag kang malungkot, O Noe, dahilan sa anumang dati nilang ginagawa na pagpapasinungaling at pangungutya sa loob ng mahabang yugtong iyon.