Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Naḥl — Talata 36 (Tagalog) — Bidyo

An-Naḥl • Talata 36 sa 128 • Tagalog


وَلَقَدْ بَعَثْنَا فِي كُلِّ أُمَّةٍ رَسُولًا أَنِ اعْبُدُوا اللَّهَ وَاجْتَنِبُوا الطَّاغُوتَ ۖ فَمِنْهُمْ مَنْ هَدَى اللَّهُ وَمِنْهُمْ مَنْ حَقَّتْ عَلَيْهِ الضَّلَالَةُ ۚ فَسِيرُوا فِي الْأَرْضِ فَانْظُرُوا كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الْمُكَذِّبِينَ 36
Pagsasalin:
Talaga ngang nagpadala Kami sa bawat kalipunan ng isang sugo, na [nagsasabi]: “Sumamba kayo kay Allāh at umiwas kayo sa nagpapakadiyos.” Kaya mayroon sa kanila na pinatnubayan ni Allāh at mayroon sa kanila na nagindapat sa kanya ang kaligawan. Kaya humayo kayo sa lupain saka tumingin kayo kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga tagapagpasinungaling. An-Naḥl 16:36
Tafsīr:
Talaga ngang nagpadala Kami sa bawat naunang kalipunan ng isang sugong nag-uutos sa kalipunan nito na sumamba kay Allāh lamang at tumigil sa pagsamba sa iba pa sa Kanya gaya ng mga anito, mga demonyo, at iba pa sa mga ito. Kaya kabilang sa kanila noon ang itinuon ni Allāh kaya sumampalataya sa Kanya at sumunod sa dinala ng Sugo Niya, at kabilang sa kanila noon ang tumangging sumampalataya kay Allāh at sumuway sa Sugo Niya kaya hindi Niya itinuon saka naging obligado roon ang kaligawan. Kaya maglakbay kayo sa lupa upang makita ninyo sa pamamagitan ng mga mata ninyo kung papaano naging ang kinahantungan ng mga tagapagpasinungaling matapos na may dumapo sa kanila na pagdurusa at kapahamakan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Naḥl • Talata 35 Susunod An-Naḥl • Talata 37