Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Kahf — Talata 36 (Tagalog) — Bidyo

Al-Kahf • Talata 36 sa 110 • Tagalog


وَمَا أَظُنُّ السَّاعَةَ قَائِمَةً وَلَئِنْ رُدِدْتُ إِلَىٰ رَبِّي لَأَجِدَنَّ خَيْرًا مِنْهَا مُنْقَلَبًا 36
Pagsasalin:
Hindi ako nagpapalagay na ang Huling Sandali ay magaganap. Talagang kung isasauli ako sa Panginoon ko ay talagang makatatagpo nga ako ng higit na mabuti kaysa rito bilang uwian.” Al-Kahf 18:36
Tafsīr:
Hindi ako nagpalagay na ang Pagbangon [ng mga patay] ay mangyayari. [Ang buhay na] ito ay isang buhay na nagpapatuloy lamang. Ipagpalagay na magaganap ito, kapag binuhay ako at ibinalik ako sa Panginoon ko ay talagang makatatagpo nga ako matapos ng pagkabuhay ng panunumbalikan ko na higit na mainam kaysa sa taniman kong ito sapagkat ang pagiging mayaman ko sa Mundo ay humihiling na ako ay maging mayaman matapos ng pagkabuhay."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Kahf • Talata 35 Susunod Al-Kahf • Talata 37