Subalit Siyang si Allāh ay Panginoon ko, at hindi ako nagtatambal sa Panginoon ko ng isa man. Al-Kahf 18:38 ⧉
Tafsīr:
Subalit ako ay hindi nagsasabi ng sabi mong ito. Nagsasabi lamang ako: 'Siya ay si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – na Panginoon ko, ang tagapagmabuting-loob ng mga biyaya Niya sa atin. Hindi ako nagtatambal sa Kanya ng isa man sa pagsamba.