Banggitin mo sa Aklat si Enoc. Tunay na siya noon ay isang napakatapat, isang propeta. Maryam 19:56 ⧉
Tafsīr:
Banggitin mo, O Sugo, sa Qur'ān na ibinaba sa iyo, ang ulat kay Enoc – sumakanya ang pangangalaga. Tunay na siya noon ay puspos ng katapatan at paniniwala sa mga tanda ng Panginoon niya at naging isang propeta kabilang sa mga propeta ni Allāh.