Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 130 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 130 sa 286 • Tagalog


وَمَنْ يَرْغَبُ عَنْ مِلَّةِ إِبْرَاهِيمَ إِلَّا مَنْ سَفِهَ نَفْسَهُ ۚ وَلَقَدِ اصْطَفَيْنَاهُ فِي الدُّنْيَا ۖ وَإِنَّهُ فِي الْآخِرَةِ لَمِنَ الصَّالِحِينَ 130
Pagsasalin:
Sino ang nasusuya sa kapaniwalaan ni Abraham kundi ang nagpahangal sa sarili niya? Talaga ngang humirang Kami sa kanya sa Mundo. Tunay na siya sa Kabilang-buhay ay talagang kabilang sa mga maayos. Al-Baqarah 2:130
Tafsīr:
Walang isang bumabaling palayo sa relihiyon ni Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – patungo sa iba pa roon na mga relihiyon kundi ang sinumang lumabag sa katarungan sa sarili niya dahil sa pagpapakahangal niya at kasagwaan ng pagbalangkas niya dahil sa pag-iwan niya sa katotohanan patungo sa pagkaligaw at nalugod siya para sa sarili ng pagkahamak. Talaga ngang pumili Kami kay Abraham sa Mundo bilang sugo at matalik na kaibigan. Tunay na siya sa Kabilang-buhay ay talagang kabilang sa mga maayos na gumanap sa isinatungkulin ni Allāh sa kanila kaya nagkamit sila ng pinakamataas sa mga antas.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 129 Susunod Al-Baqarah • Talata 131