Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 132 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 132 sa 286 • Tagalog


وَوَصَّىٰ بِهَا إِبْرَاهِيمُ بَنِيهِ وَيَعْقُوبُ يَا بَنِيَّ إِنَّ اللَّهَ اصْطَفَىٰ لَكُمُ الدِّينَ فَلَا تَمُوتُنَّ إِلَّا وَأَنْتُمْ مُسْلِمُونَ 132
Pagsasalin:
Nagtagubilin niyon si Abraham sa mga anak niya, at si Jacob: “O mga anak ko, tunay na si Allāh ay humirang para sa inyo ng relihiyon kaya huwag nga kayong mamamatay malibang habang kayo ay mga tagapagpasakop [sa Kanya].” Al-Baqarah 2:132
Tafsīr:
Nagtagubilin si Abraham sa mga anak niya ng pangungusap na ito: "Nagpasakop ako sa Panginoon ng mga nilalang." Nagtagubilin nito gayon din si Jacob sa mga anak niya. Nagsabi silang dalawa habang mga nanawagan sa mga anak nilang dalawa: "Tunay na si Allāh ay pumili para sa inyo ng relihiyong Islām kaya kumapit kayo rito hanggang sa dumating sa inyo ang kamatayan habang kayo ay mga tagapagpasakop (Muslim) kay Allāh sa panlabas at sa panloob."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 131 Susunod Al-Baqarah • Talata 133