Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 139 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 139 sa 286 • Tagalog


قُلْ أَتُحَاجُّونَنَا فِي اللَّهِ وَهُوَ رَبُّنَا وَرَبُّكُمْ وَلَنَا أَعْمَالُنَا وَلَكُمْ أَعْمَالُكُمْ وَنَحْنُ لَهُ مُخْلِصُونَ 139
Pagsasalin:
Sabihin mo [O Propeta sa mga May Kasulatan]: “Nangangatwiran ba kayo sa amin hinggil kay Allāh samantalang Siya ay ang Panginoon namin at ang Panginoon ninyo? Ukol sa amin ang mga gawa namin at ukol sa inyo ang mga gawa ninyo. Kami para sa Kanya ay mga nagpapakawagas [sa pagsamba].” Al-Baqarah 2:139
Tafsīr:
Sabihin mo, O Propeta: "Nakikipagtalo ba kayo sa amin, O mga May Kasulatan, hinggil sa kung kayo ay higit na malapit kay Allāh at sa relihiyon Niya kaysa sa amin dahil ang relihiyon ninyo ay higit na matanda at ang kasulatan ninyo ay higit na nauna ngunit tunay na iyon ay hindi magpapakinabang sa inyo? Si Allāh ay ang Panginoon natin sa kalahatan; hindi kayo natatangi roon. Ukol sa amin ang mga gawa namin, na hindi kayo pananagutin tungkol sa mga iyon; at ukol sa inyo ang mga gawa ninyo, na hindi kami pananagutin tungkol sa mga iyon. Bawat isa ay gagantihan sa gawa niya. Kami ay mga nagpapakawagas para kay Allāh sa pagsamba at pagtalima; hindi kami nagtatambal sa Kanya ng anuman."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 138 Susunod Al-Baqarah • Talata 140