Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 142 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 142 sa 286 • Tagalog


سَيَقُولُ السُّفَهَاءُ مِنَ النَّاسِ مَا وَلَّاهُمْ عَنْ قِبْلَتِهِمُ الَّتِي كَانُوا عَلَيْهَا ۚ قُلْ لِلَّهِ الْمَشْرِقُ وَالْمَغْرِبُ ۚ يَهْدِي مَنْ يَشَاءُ إِلَىٰ صِرَاطٍ مُسْتَقِيمٍ 142
Pagsasalin:
Magsasabi ang mga hunghang kabilang sa mga tao: “Ano ang nagpatalikod sa kanila palayo sa qiblah nila na sila dati ay nakabatay roon?” Sabihin mo: “Sa kay Allāh ang silangan at ang kanluran. Nagpapatnubay siya sa sinumang niloloob Niya tungo sa isang landasing tuwid.” Al-Baqarah 2:142
Tafsīr:
Magsasabi ang mga mangmang na mahihina ang mga pagkaunawa kabilang sa mga Hudyo at sinumang nasa kauri nila kabilang sa mga mapagpaimbabaw: "Ano ang nagpabaling sa mga Muslim palayo sa qiblah ng Jerusalem na dating qiblah nila noon?" Sabihin mo, O Propeta, habang sumasagot sa kanila: "Sa kay Allāh lamang ang pagmamay-ari ng silangan, kanluran, at iba sa dalawang na mga dako. Naghaharap siya sa sinumang niloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya tungo sa alinmang dakong niloob Niya. Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay nagpapatnubay sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya tungo sa isang tuwid na daan, na walang pagkabaluktot doon ni paglihis."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 141 Susunod Al-Baqarah • Talata 143