[Banggitin] noong nagbigay Kami kay Moises ng Kasulatan at Pamantayan [ng tama at mali], nang sa gayon kayo ay mapapatnubayan. Al-Baqarah 2:53 ⧉
Tafsīr:
Banggitin ninyo: Kabilang sa mga biyayang ito na nagbigay Kami kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ng Torah bilang pamantayan sa pagitan ng katotohanan at kabulaanan at bilang paghihiwalay sa pagitan ng patnubay at pagkaligaw, nang sa gayon kayo ay mapapatnubayan sa pamamagitan nito tungo sa katotohanan.