Hindi sila magmimithi niyon magpakailanman dahil sa ipinauna ng mga kamay nila. Si Allāh ay Maalam sa mga tagalabag sa katarungan. Al-Baqarah 2:95 ⧉
Tafsīr:
Hindi sila magmimithi ng kamatayan magpakailanman dahilan sa ipinauna nila sa buhay nila na kawalang-pananampalataya kay Allāh, pagpapabula sa mga sugo, at pagpilipit sa mga kasulatan Niya. Si Allāh ay Maalam sa mga tagalabag sa katarungan kabilang sa kanila at sa iba pa sa kanila. Gaganti Siya sa bawat isa dahil sa gawa nito.