Pagkalayu-layo ito, pagkalayu-layo ito para sa ipinangangako sa inyo. Al-Mu’minūn 23:36 ⧉
Tafsīr:
Lubhang malayo ang ipinangangako sa inyo na pagpapalabas sa inyo mula sa mga libingan ninyo bilang mga buhay matapos ng kamatayan ninyo. Ang kahahantungan niyon ay maging alabok at butong durog.