Tunay na ikaw ay hindi pumapatnubay sa sinumang inibig mo, subalit si Allāh ay pumapatnubay sa sinumang niloloob Niya. Siya ay higit na maalam sa mga napapatnubayan. Al-Qaṣaṣ 28:56 ⧉
Tafsīr:
Tunay na ikaw, O Sugo, ay hindi pumapatnubay sa sinumang inibig mo, tulad ni Abū Ṭālib at iba pa, sa pamamagitan ng pagtutuon doon sa pananampalataya; subalit si Allāh lamang ay nagtutuon sa sinumang niloloob Niya sa kapatnubayan. Siya ay higit na maalam sa sinumang nauna sa kaalaman Niya na ito ay kabilang sa mga napapatnubayan tungo sa landasing tuwid.