[Nagsugo Kami sa] Madyan ng kapatid nilang si Shu`ayb, saka nagsabi siya: “O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh, mag-asam kayo ng [gantimpala sa] Huling Araw, at huwag kayong manampalasan sa lupa bilang mga tagagulo.” Al-‘Ankabūt 29:36 ⧉
Tafsīr:
Nagsugo Kami sa Madyan ng kapatid nila sa kaangkanan na si Shu`ayb – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – saka nagsabi siya: "O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh lamang mag-asam kayo sa pagsamba ninyo sa Kanya ng ganti sa Huling Araw, at huwag kayong manggulo sa lupa sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagsuway at pagpapalaganap ng mga ito."