Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 39 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 39 sa 200 • Tagalog


فَنَادَتْهُ الْمَلَائِكَةُ وَهُوَ قَائِمٌ يُصَلِّي فِي الْمِحْرَابِ أَنَّ اللَّهَ يُبَشِّرُكَ بِيَحْيَىٰ مُصَدِّقًا بِكَلِمَةٍ مِنَ اللَّهِ وَسَيِّدًا وَحَصُورًا وَنَبِيًّا مِنَ الصَّالِحِينَ 39
Pagsasalin:
Kaya nanawagan sa kanya ang mga anghel, habang siya ay nakatayong nagdarasal sa isang silid-dasalan, na [nagsasabi]: “Si Allāh ay nagbabalita sa iyo ng nakagagalak hinggil kay Juan bilang tagapagpatotoo sa isang salita mula kay Allāh, bilang ginoo, bilang matimtiman, at bilang propeta kabilang sa mga maayos.” Āl ‘Imrān 3:39
Tafsīr:
Kaya nanawagan sa kanya ang mga anghel habang kumakausap sa kanya samantalang siya ay nasa kalagayan ng pagkakatayo para sa pagdarasal sa isang lugar ng pagsamba, sa pamamagitan ng sabi nila: "Tunay na si Allāh ay nagbabalita sa iyo ng nakagagalak hinggil sa isang anak na ipanganganak sa iyo, na ang pangalan ay Yahya. Kabilang sa katangian nito na ito ay maging isang tagapagpatotoo sa isang salita mula kay Allāh. Siya ay si Hesus na anak ni Maria dahil iyon ay nilikha sa isang paglikhang natatangi sa pamamagitan ng isang salita mula kay Allāh. Ang batang ito ay magiging isang ginoo sa mga tao niya sa kaalaman at pagsamba, na isang tagapigil sa sarili niya at isang tagahadlang dito sa mga pagnanasa, na kabilang dito ang paglapit sa mga babae, na [magiging] isang nag-uukol ng sarili sa pagsamba sa Panginoon niya, at magiging isang propeta rin kabilang sa mga maayos."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 38 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 40