Sabihin mo: “Tunay na ang Panginoon ko ay nagpapaluwag sa panustos para sa sinumang niloloob Niya at naghihigpit [para sa sinumang niloloob Niya] subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam.” Saba’ 34:36 ⧉
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo, sa mga nalinlang na ito dahil sa ibinigay sa kanila na mga biyaya: "Ang Panginoon ko – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay nagpapaluwag ng panustos para sa sinumang niloloob Niya bilang pagsusulit para sa kanya kung magpapasalamat ba siya o tatangging magpasalamat, at nagpapasikip dito sa sinumang niloloob Niya bilang pagsubok para sa kanya kung magtitiis ba siya o maiinis? Subalit ang karamihan sa mga tao ay hindi nakaaalam na si Allāh ay Marunong: hindi Siya nagtatakda ng isang bagay malibang dahil sa isang kasanhiang malalim. Nakaalam dito ang sinumang nakaalam dito at nagpakamangmang dito ang sinumang nagpakamangmang dito.