Ang mga tumangging sumampalataya, ukol sa kanila ang Apoy ng Impiyerno. Hindi humuhusga sa kanila para mamatay sila at hindi nagpapagaan sa kanila ng pagdurusang dulot nito. Gayon Kami gaganti sa bawat mapagtangging magpasalamat. Fāṭir 35:36 ⧉
Tafsīr:
Ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh, ukol sa kanila ang Apoy ng Impiyerno bilang mga mananatili roon . Hindi humuhusga sa kanila ng kamatayan para mamatay sila at makapagpahinga sila mula sa pagdurusa, at hindi nagpapagaan sa kanila ng anuman mula sa pagdurusa sa Impiyerno. Tulad ng ganting ito gaganti Kami sa Araw ng Pagbangon sa bawat palakaila sa mga biyaya ng Panginoon niya.