Subalit si Allāh ay sumasaksi sa pinababa Niya sa iyo. Nagpababa Siya nito kalakip ng kaalaman Niya habang ang mga anghel ay sumasaksi. Nakasapat si Allāh bilang Saksi. An-Nisā’ 4:166 ⧉
Tafsīr:
Kung ang mga Hudyo ay tumatangging sumampalataya sa iyo, tunay na si Allāh naman ay naniniwala sa iyo sa katumpakan ng pinababa sa iyo, O Sugo, na Qur'ān. Nagpababa Siya rito ng kaalaman Niya na ninais Niya na ipabatid sa mga lingkod Niya kabilang sa naiibigan Niya at kinalulugdan Niya o kinasusuklaman Niya at tinatanggihan Niya habang ang mga anghel ay sumasaksi sa katapatan ng inihatid mo kalakip ng pagsaksi ni Allāh. Nakasapat si Allāh bilang saksi sapagkat ang pagsaksi Niya ay nakasasapat kaysa sa pagsaksi ng iba sa Kanya.