Kaya ang ibinigay sa inyo na anuman ay natatamasa sa buhay na pangmundo. Ang nasa ganang kay Allāh ay higit na mabuti at higit na mamamalagi para sa mga sumampalataya at sa Panginoon nila ay nananalig; Ash-Shūrā 42:36 ⧉
Tafsīr:
Kaya ang ibinigay sa inyo, O mga tao, na yaman o impluwensiya o anak ay natatamasa sa buhay na pangmundo. Ito ay maglalaho, mapuputol. Ang kaginhawahang mamamalagi ay ang kaginhawahan sa Paraiso na inihanda ni Allāh para sa mga sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya at sa Panginoon nila lamang ay sumasandal sa lahat ng mga pumapatungkol sa kanila.