Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Ḥujurāt — Talata 17 (Tagalog) — Bidyo

Al-Ḥujurāt • Talata 17 sa 18 • Tagalog


يَمُنُّونَ عَلَيْكَ أَنْ أَسْلَمُوا ۖ قُلْ لَا تَمُنُّوا عَلَيَّ إِسْلَامَكُمْ ۖ بَلِ اللَّهُ يَمُنُّ عَلَيْكُمْ أَنْ هَدَاكُمْ لِلْإِيمَانِ إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ 17
Pagsasalin:
Nanunumbat sila sa iyo na nagpasakop sila. Sabihin mo: “Huwag kayong manumbat sa akin ng pagpapasakop ninyo, bagkus si Allāh ay nagmamagandang-loob sa inyo na pumatnubay Siya sa inyo sa pananampalataya, kung kayo ay naging mga tapat.” Al-Ḥujurāt 49:17
Tafsīr:
Nanunumbat sa iyo, O Sugo, ang mga Arabeng disyerto na ito ng pagpapasakop nila sa Islām. Sabihin mo sa kanila: "Huwag kayong manumbat sa akin ng pagpasok ninyo sa relihiyon ni Allāh sapagkat ang pakinabang niyon – kung mangyayari – ay mauuwi sa inyo, bagkus si Allāh ay ang nagmamagandang-loob sa inyo sa pamamagitan ng pagtuon sa inyo sa pananampalataya sa Kanya, kung kayo ay mga tapat sa pag-aangkin ninyo na kayo ay pumasok doon."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Ḥujurāt • Talata 16 Susunod Al-Ḥujurāt • Talata 18