Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mā’idah — Talata 36 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mā’idah • Talata 36 sa 120 • Tagalog


إِنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا لَوْ أَنَّ لَهُمْ مَا فِي الْأَرْضِ جَمِيعًا وَمِثْلَهُ مَعَهُ لِيَفْتَدُوا بِهِ مِنْ عَذَابِ يَوْمِ الْقِيَامَةِ مَا تُقُبِّلَ مِنْهُمْ ۖ وَلَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ 36
Pagsasalin:
Tunay na ang mga tumangging sumampalataya, kung sakaling sa kanila ang anumang nasa lupa nang lahatan at ang tulad nito kasama rito upang matubos sila sa pamamagitan niyon mula sa pagdurusa sa Araw ng Pagbangon ay hindi iyon matatanggap mula sa kanila. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit. Al-Mā’idah 5:36
Tafsīr:
Tunay na ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya, kung sakaling itinakda na taglay ng bawat isa sa kanila ang pagmamay-ari sa anumang nasa lupa sa kalahatan at tulad nito kasama nito saka naghandog sila nito upang magpawala sila sa mga sarili nila mula sa pagdurusang dulot ni Allāh sa Araw ng Pagbangon, hindi tatanggapin mula sa kanila ang pantubos na iyon. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang nakasasakit.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mā’idah • Talata 35 Susunod Al-Mā’idah • Talata 37