Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Qāf — Talata 14 (Tagalog) — Bidyo

Qāf • Talata 14 sa 45 • Tagalog


وَأَصْحَابُ الْأَيْكَةِ وَقَوْمُ تُبَّعٍ ۚ كُلٌّ كَذَّبَ الرُّسُلَ فَحَقَّ وَعِيدِ 14
Pagsasalin:
ang mga naninirahan sa kasukalan [ng Midyan], at ang mga kalipi ni Tubba`. Bawat [isa] ay nagpasinungaling sa mga sugo [Ko] kaya nagindapat ang banta Ko. Qāf 50:14
Tafsīr:
Nagpasinungaling ang mga kalipi ni Shu`ayb, ang mga naninirahan sa kasukalan, at ang mga kalipi ni Tubba` na hari ng Yemen. Lahat ng mga liping ito ay nagpasinungaling sa mga sugo ni Allāh na isinugo Niya kaya napagtibay sa kanila ang ipinangako sa kanila ni Allāh na pagdurusa.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Qāf • Talata 13 Susunod Qāf • Talata 15