Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Ḥashr — Talata 2 (Tagalog) — Bidyo

Al-Ḥashr • Talata 2 sa 24 • Tagalog


هُوَ الَّذِي أَخْرَجَ الَّذِينَ كَفَرُوا مِنْ أَهْلِ الْكِتَابِ مِنْ دِيَارِهِمْ لِأَوَّلِ الْحَشْرِ ۚ مَا ظَنَنْتُمْ أَنْ يَخْرُجُوا ۖ وَظَنُّوا أَنَّهُمْ مَانِعَتُهُمْ حُصُونُهُمْ مِنَ اللَّهِ فَأَتَاهُمُ اللَّهُ مِنْ حَيْثُ لَمْ يَحْتَسِبُوا ۖ وَقَذَفَ فِي قُلُوبِهِمُ الرُّعْبَ ۚ يُخْرِبُونَ بُيُوتَهُمْ بِأَيْدِيهِمْ وَأَيْدِي الْمُؤْمِنِينَ فَاعْتَبِرُوا يَا أُولِي الْأَبْصَارِ 2
Pagsasalin:
Siya ay ang nagpalisan sa mga tumangging sumampalataya kabilang sa mga May Kasulatan mula sa mga tahanan nila sa unang pagkakalap [at pagpapatapon sa kanila]. Hindi kayo nagpalagay na sila ay lilisan. Nagpalagay sila na sila ay ipagtatanggol ng mga kuta nila laban kay Allāh, ngunit nagpapunta sa kanila si Allāh [ng pagdurusa] mula sa kung saan hindi nila inaasahan. Bumato Siya sa mga puso nila ng hilakbot. Sumisira sila ng mga bahay nila sa pamamagitan ng mga kamay nila at mga kamay ng mga mananampalataya. Kaya magsaalang-alang kayo [mula rito], O mga may paningin. Al-Ḥashr 59:2
Tafsīr:
Si Allāh ay ang nagpalisan sa liping Naḍīr – na mga tumangging sumampalataya sa Kanya at nagpasinungaling sa Sugo Niyang si Muḥammad (ang basbas at ang pagbabati ng kapayapaan ay sumakanya) – mula sa mga tahanan nila sa Madīnah sa unang pagpapalisan sa kanila mula sa Madīnah patungo sa Sirya. Sila ay kabilang sa mga Hudyo, na mga alagad ng Torah, matapos ng pagsira nila kasunduan nila at ng pagiging kasama ng mga tagapagtambal doon. Nagpalisan Siya sa kanila patungo sa lupain ng Sirya. Hindi kayo nagpalagay, O mga mananampalataya, na lilisan sila mula sa mga tahanan nila dahil sa taglay nila na kapangyarihan at tibay. Nagpalagay sila mismo na ang mga kuta nilang ipinatayo nila ay magtatanggol sa kanila laban sa bagsik ni Allāh at parusa Niya, ngunit dumating sa kanila ang bagsik ni Allāh mula sa kung saan hindi sila nakapagtantiya ng pagdating niyon nang nag-utos ang Sugo Niya ng pakikipaglaban sa kanila at pagpapalayas sa kanila mula sa mga tahanan nila. Nagpapasok si Allāh sa mga puso nila ng matinding pangamba. Winasak nila ang mga bahay nila sa pamamagitan ng mga kamay nila mula sa loob ng mga ito upang hindi makinabang sa mga ito ang mga Muslim. Winasak naman ang mga ito ng mga Muslim mula sa labas ng mga ito. Kaya mapangaralan kayo, O mga may paningin, sa dumapo sa kanila dahilan sa kawalang-pananampalataya nila para kayo ay hindi maging tulad nila para magtamo ng [gaya ng] ganti sa kanila at parusa sa kanila na ipinarusa sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Ḥashr • Talata 1 Susunod Al-Ḥashr • Talata 3