Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Nūḥ — Talata 7 (Tagalog) — Bidyo

Nūḥ • Talata 7 sa 28 • Tagalog


وَإِنِّي كُلَّمَا دَعَوْتُهُمْ لِتَغْفِرَ لَهُمْ جَعَلُوا أَصَابِعَهُمْ فِي آذَانِهِمْ وَاسْتَغْشَوْا ثِيَابَهُمْ وَأَصَرُّوا وَاسْتَكْبَرُوا اسْتِكْبَارًا 7
Pagsasalin:
Tunay na sa tuwing nag-anyaya ako sa kanila upang magpatawad Ka sa kanila ay naglalagay sila ng mga daliri nila sa mga tainga nila, nagtatalukbong sila ng mga damit nila, nagpupumilit sila, at nagmamalaki sila nang isang pagmamalaki. Nūḥ 71:7
Tafsīr:
Tunay na sa tuwing nag-anyaya ako sa kanila tungo sa may kadahilanan ng pagpapatawad sa mga pagkakasala nila gaya ng pagsamba sa Iyo lamang, pagtalima sa iyo, at pagtalima sa Sugo Mo ay nagbabara sila ng mga tainga nila sa pamamagitan ng mga daliri nila upang humadlang sila sa mga ito sa pagdinig sa paanyaya Ko at nagtatakip sila sa mga mukha nila ng mga kasuutan nila upang hindi sila makakita sa akin. Nagpapatuloy sila sa taglay nila na shirk. Nagpakamalaki sila sa pag-ayaw sa pagtanggap sa inaanyaya Ko sa kanila at sa pagpapasailalim dito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Nūḥ • Talata 6 Susunod Nūḥ • Talata 8