O mga sumampalataya, ano ang mayroon sa inyo na kapag sinabi sa inyo na humayo kayo ayon sa landas ni Allāh ay nagpabigat kayo sa pagkapit sa lupa? Nalugod ba kayo sa buhay na pangmundo sa halip ng pangkabilang-buhay? Ngunit ano ang natatamasa sa buhay na pangmundo kapalit sa Kabilang-buhay kundi kaunti. At-Tawbah 9:38 ⧉
Tafsīr:
O mga sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya at gumawa ayon sa isinabatas Niya sa kanila, ano ang nangyayari sa inyo na kapag inanyayahan kayo sa pakikibaka ayon sa landas ni Allāh para makipaglaban sa kaaway ninyo ay nagbagal-bagalan kayo at nahilig kayo sa pananatili sa mga tirahan ninyo? Nalugod ba kayo sa natatamasa ng buhay na pangmundo na naglalaho at mga sarap nitong napuputol bilang panumbas sa nanatiling kaginhawahan sa Kabilang-buhay na inihanda ni Allāh para sa mga nakikibaka ayon sa landas Niya? Ngunit ano ang natatamasa sa buhay na pangmundo sa paghahambing sa Kabilang-buhay kundi hamak? Kaya papaanong ukol sa isang nag-iisip na pumili ng isang naglalaho kaysa sa isang namamalagi at isang hamak kaysa isang dakila?