Nagbababaan ang mga Anghel at ang Espiritu rito ayon sa pahintulot ng Panginoon Nila kalakip ng bawat utos. Al-Qadr 97:4 ⧉
Tafsīr:
Nagbababaan ang mga Anghel at bumababa si Anghel Gabriel – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – rito ayon sa pahintulot ng Panginoon Nila – kaluwalhatian sa Kanya – kalakip ng bawat utos na itinadhana ni Allāh sa taon na iyon, maging ito man ay panustos o kamatayan o pagkapanganak o iba pa roon kabilang sa itinatakda ni Allāh.