Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yūsuf — Talata 38 (Tagalog) — Bidyo

Yūsuf • Talata 38 sa 111 • Tagalog


وَاتَّبَعْتُ مِلَّةَ آبَائِي إِبْرَاهِيمَ وَإِسْحَاقَ وَيَعْقُوبَ ۚ مَا كَانَ لَنَا أَنْ نُشْرِكَ بِاللَّهِ مِنْ شَيْءٍ ۚ ذَٰلِكَ مِنْ فَضْلِ اللَّهِ عَلَيْنَا وَعَلَى النَّاسِ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَ النَّاسِ لَا يَشْكُرُونَ 38
Pagsasalin:
Sumunod ako sa kapaniwalaan ng mga ninuno kong sina Abraham, Isaac, at Jacob. Hindi naging ukol sa amin na magtambal kami kay Allāh ng anumang bagay. Iyon ay bahagi ng kabutihang-loob ni Allāh sa amin at sa mga tao, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nagpapasalamat. Yūsuf 12:38
Tafsīr:
Sumunod ako sa relihiyon ng mga ninuno kong sina Abraham, Isaac, at Jacob. Ito ay ang relihiyon ng paniniwala sa kaisahan ni Allāh. Hindi natutumpak para sa amin na magtambal kami kay Allāh ng iba pa sa Kanya. Siya ay ang namumukod-tangi sa kaisahan. Ang paniniwala sa kaisahan Niya at ang pananampalatayang iyon na ako at ang mga ninuno ko ay nakabatay ay bahagi ng kabutihang-loob ni Allāh sa amin, na nagtuon Siya sa amin doon, at bahagi ng kabutihang-loob Niya sa mga tao sa kalahatan nang nagpadala Siya sa kanila ng mga propeta dahil doon. Subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nagpapasalamat kay Allāh sa mga biyaya Niya bagkus tumatangging sumampalataya sa Kanya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūsuf • Talata 37 Susunod Yūsuf • Talata 39