Nagsabi siya: “Walang pumupunta sa inyo na pagkain na itinutustos sa inyong dalawa malibang magbabalita ako sa inyong dalawa hinggil sa pagpapakahulugan nito bago pumunta ito sa inyong dalawa. Iyan ay kabilang sa itinuro sa akin ng Panginoon ko. Tunay na ako ay nag-iwan sa kapaniwalaan ng mga taong hindi sumasampalataya kay Allāh habang sila sa Kabilang-buhay ay mga tagatangging sumampalataya. Yūsuf 12:37 ⧉
Tafsīr:
Nagsabi si Jose – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Walang pumupunta sa inyo na pagkaing ipinararating sa inyong dalawa mula sa hari o iba pa sa kanya malibang maglilinaw ako para sa inyong dalawa ng katotohanan niyon at katangian niyon bago pumunta ito sa inyong dalawa. Ang pagpapakahulugang iyon na ipaaalam ko ay kabilang sa itinuro sa akin ng Panginoon ko, hindi mula sa panghuhula ni mula sa astrolohiya. Tunay na ako ay nag-iwan sa relihiyon ng mga taong hindi sumasampalataya kay Allāh habang sila sa Kabilang-buhay ay mga tagatangging sumampalataya.