Surah Al-Qalam (Ang Panulat) — سُورَةُ القلم

Surah Al-Qalam - Ang ikaanimnapu't walong kabanata ng Qur'an, na nagpapatibay sa karakter ng Propeta, nagbabala laban sa kayabangan, at binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagtitiis.

Surah Al-Qalam (Ang Panulat) — سُورَةُ القلم

Kilala rin bilang: Nūn (Nun), Nūn wa al-Qalam (Nun at Panulat)

مَا أَنْتَ بِنِعْمَةِ رَبِّكَ بِمَجْنُونٍ ٢ i

68:2

hindi ka, [O Propeta Muḥammad,] dahil sa biyaya ng Panginoon mo, isang baliw. (2)

وَإِنَّ لَكَ لَأَجْرًا غَيْرَ مَمْنُونٍ ٣ i

68:3

Tunay na ukol sa iyo ay talagang isang pabuyang hindi matitigil. (3)

إِنَّ رَبَّكَ هُوَ أَعْلَمُ بِمَنْ ضَلَّ عَنْ سَبِيلِهِ وَهُوَ أَعْلَمُ بِالْمُهْتَدِينَ ٧ i

68:7

Tunay na ang Panginoon mo ay higit na maalam sa kung sino ang naligaw palayo sa landas Niya, at Siya ay higit na maalam sa mga napatnubayan. (7)

وَدُّوا لَوْ تُدْهِنُ فَيُدْهِنُونَ ٩ i

68:9

Nagmithi sila na kung sana magpapahinuhod ka [sa usapin ng relihiyon] saka magpapahinuhod sila. (9)

إِذَا تُتْلَىٰ عَلَيْهِ آيَاتُنَا قَالَ أَسَاطِيرُ الْأَوَّلِينَ ١٥ i

68:15

kapag binibigkas sa kanya ang mga talata Namin [sa Qur’ān], nagsasabi siya: “Mga alamat ng mga sinauna.” (15)

إِنَّا بَلَوْنَاهُمْ كَمَا بَلَوْنَا أَصْحَابَ الْجَنَّةِ إِذْ أَقْسَمُوا لَيَصْرِمُنَّهَا مُصْبِحِينَ ١٧ i

68:17

Tunay na Kami ay sumubok sa kanila kung paanong sumubok Kami sa mga may-ari ng hardin noong sumumpa ang mga ito na talagang pipitas nga ang mga ito doon pagkaumaga. (17)

فَطَافَ عَلَيْهَا طَائِفٌ مِنْ رَبِّكَ وَهُمْ نَائِمُونَ ١٩ i

68:19

Kaya may umikot doon [sa hardin] na isang umiikot [na apoy] mula sa Panginoon mo habang sila ay mga natutulog. (19)

أَنِ اغْدُوا عَلَىٰ حَرْثِكُمْ إِنْ كُنْتُمْ صَارِمِينَ ٢٢ i

68:22

na [mga nagsasabi]: “Magpakaaga kayo sa taniman ninyo kung kayo ay mga mamimitas.” (22)

أَنْ لَا يَدْخُلَنَّهَا الْيَوْمَ عَلَيْكُمْ مِسْكِينٌ ٢٤ i

68:24

na [nagsasabi]: “Wala ngang papasok ngayong araw sa inyo na isang dukha.” (24)

فَلَمَّا رَأَوْهَا قَالُوا إِنَّا لَضَالُّونَ ٢٦ i

68:26

Ngunit noong nakita nila iyon [na nasunog] iyon ay nagsabi sila: “Tunay na tayo ay talagang mga naliligaw; (26)

قَالَ أَوْسَطُهُمْ أَلَمْ أَقُلْ لَكُمْ لَوْلَا تُسَبِّحُونَ ٢٨ i

68:28

Nagsabi ang pinakamaigi sa kanila: “Hindi ba nagsabi ako sa inyo na bakit kasi hindi kayo nagluluwalhati [kay Allāh]?” (28)

قَالُوا سُبْحَانَ رَبِّنَا إِنَّا كُنَّا ظَالِمِينَ ٢٩ i

68:29

Nagsabi sila: “Kaluwalhatian sa Panginoon natin! Tunay na tayo dati ay mga tagalabag sa katarungan.” (29)

فَأَقْبَلَ بَعْضُهُمْ عَلَىٰ بَعْضٍ يَتَلَاوَمُونَ ٣٠ i

68:30

Kaya lumapit sila sa isa’t isa habang nagsisisihan. (30)

قَالُوا يَا وَيْلَنَا إِنَّا كُنَّا طَاغِينَ ٣١ i

68:31

Nagsabi sila: “O kapighatian sa atin; tayo dati ay mga tagapagmalabis. (31)

عَسَىٰ رَبُّنَا أَنْ يُبْدِلَنَا خَيْرًا مِنْهَا إِنَّا إِلَىٰ رَبِّنَا رَاغِبُونَ ٣٢ i

68:32

Marahil ang Panginoon natin ay magpalit sa atin ng higit na mabuting [harding] kaysa roon; tunay na tayo sa Panginoon natin ay mga naghahangad.” (32)

كَذَٰلِكَ الْعَذَابُ ۖ وَلَعَذَابُ الْآخِرَةِ أَكْبَرُ ۚ لَوْ كَانُوا يَعْلَمُونَ ٣٣ i

68:33

Gayon ang pagdurusa [sa Mundo] at talagang ang pagdurusa sa Kabilang-buhay ay higit na malaki, kung sakaling sila ay nakaaalam. (33)

إِنَّ لِلْمُتَّقِينَ عِنْدَ رَبِّهِمْ جَنَّاتِ النَّعِيمِ ٣٤ i

68:34

Tunay na ukol sa mga tagapangilag magkasala, sa piling ng Panginoon nila, ang mga hardin ng kaginhawahan. (34)

أَفَنَجْعَلُ الْمُسْلِمِينَ كَالْمُجْرِمِينَ ٣٥ i

68:35

Kaya gagawa ba Kami sa mga Muslim gaya ng mga salarin? (35)

إِنَّ لَكُمْ فِيهِ لَمَا تَخَيَّرُونَ ٣٨ i

68:38

na tunay na ukol sa inyo roon ay talagang ang minamabuti ninyo? (38)

أَمْ لَكُمْ أَيْمَانٌ عَلَيْنَا بَالِغَةٌ إِلَىٰ يَوْمِ الْقِيَامَةِ ۙ إِنَّ لَكُمْ لَمَا تَحْكُمُونَ ٣٩ i

68:39

O mayroon kayong mga pinanumpaan sa Amin, na aabot hanggang sa Araw ng Pagbangon, na tunay na ukol sa inyo ay ang hinahatol ninyo? (39)

أَمْ لَهُمْ شُرَكَاءُ فَلْيَأْتُوا بِشُرَكَائِهِمْ إِنْ كَانُوا صَادِقِينَ ٤١ i

68:41

O mayroon silang mga pantambal [kay Allāh]? Kaya magdala sila ng mga pantambal nila kung sila ay mga tapat, (41)

يَوْمَ يُكْشَفُ عَنْ سَاقٍ وَيُدْعَوْنَ إِلَى السُّجُودِ فَلَا يَسْتَطِيعُونَ ٤٢ i

68:42

sa Araw na may itatambad na isang lulod [ni Allāh] at tatawagin sila [na mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw] tungo sa pagpapatirapa ngunit hindi sila makakakaya. (42)

خَاشِعَةً أَبْصَارُهُمْ تَرْهَقُهُمْ ذِلَّةٌ ۖ وَقَدْ كَانُوا يُدْعَوْنَ إِلَى السُّجُودِ وَهُمْ سَالِمُونَ ٤٣ i

68:43

Nagtataimtim ang mga paningin nila, may lumulukob sa kanila na isang kaabahan samantalang sila nga dati ay inaanyayahan sa pagpatirapa habang sila ay malusog. (43)

فَذَرْنِي وَمَنْ يُكَذِّبُ بِهَٰذَا الْحَدِيثِ ۖ سَنَسْتَدْرِجُهُمْ مِنْ حَيْثُ لَا يَعْلَمُونَ ٤٤ i

68:44

Kaya hayaan mo Ako at ang sinumang nagpapasinungaling sa pahayag [ng Qur’ān na ito]; mag-uunti-unti Kami sa kanila [tungo sa pagdurusa] mula sa hindi nila nalalaman. (44)

وَأُمْلِي لَهُمْ ۚ إِنَّ كَيْدِي مَتِينٌ ٤٥ i

68:45

Magpapalugit Ako para sa kanila. Tunay na ang panlalansi Ko ay matibay. (45)

أَمْ تَسْأَلُهُمْ أَجْرًا فَهُمْ مِنْ مَغْرَمٍ مُثْقَلُونَ ٤٦ i

68:46

O nanghihingi ka ba sa kanila ng isang pabuya [dahil sa pag-aanyaya] kaya sila dahil sa isang pagkakamulta ay mga napabibigatan? (46)

أَمْ عِنْدَهُمُ الْغَيْبُ فَهُمْ يَكْتُبُونَ ٤٧ i

68:47

O taglay ba nila ang [kaalaman sa] nakalingid kaya sila ay nagsusulat [nito]? (47)

فَاصْبِرْ لِحُكْمِ رَبِّكَ وَلَا تَكُنْ كَصَاحِبِ الْحُوتِ إِذْ نَادَىٰ وَهُوَ مَكْظُومٌ ٤٨ i

68:48

Kaya magtiis ka sa hatol ng Panginoon mo at huwag kang maging gaya ng kasamahan ng isda noong nanawagan siya habang siya ay nahahapis. (48)

لَوْلَا أَنْ تَدَارَكَهُ نِعْمَةٌ مِنْ رَبِّهِ لَنُبِذَ بِالْعَرَاءِ وَهُوَ مَذْمُومٌ ٤٩ i

68:49

Kung sakaling hindi nakaabot sa kanya ang isang biyaya mula sa Panginoon niya ay talaga sanang ihinagis siya sa kahawanan samantalang siya ay pinupulaan. (49)

فَاجْتَبَاهُ رَبُّهُ فَجَعَلَهُ مِنَ الصَّالِحِينَ ٥٠ i

68:50

Ngunit humirang sa kanya ang Panginoon niya, saka gumawa sa kanya kabilang sa mga maayos. (50)

وَإِنْ يَكَادُ الَّذِينَ كَفَرُوا لَيُزْلِقُونَكَ بِأَبْصَارِهِمْ لَمَّا سَمِعُوا الذِّكْرَ وَيَقُولُونَ إِنَّهُ لَمَجْنُونٌ ٥١ i

68:51

Tunay na halos ang mga tumangging sumampalataya ay talagang magpapadulas sa iyo sa pamamagitan ng mga tingin nila noong nakarinig sila sa paalaala [ng Qur’ān] at nagsasabi sila: “Tunay na siya ay talagang isang baliw.” (51)

وَمَا هُوَ إِلَّا ذِكْرٌ لِلْعَالَمِينَ ٥٢ i

68:52

Walang iba [ang Qur’ān na] ito kundi isang paalaala [mula kay Allāh] para sa mga nilalang. (52)