Tunay na Kami ay sumubok sa kanila kung paanong sumubok Kami sa mga may-ari ng hardin noong sumumpa ang mga ito na talagang pipitas nga ang mga ito doon pagkaumaga. Al-Qalam 68:17 ⧉
Tafsīr:
Tunay na Kami ay sumulit sa mga tagapagtambal na ito sa pamamagitan ng tagtuyot at taggutom kung paanong sumulit Kami sa mga may-ari ng pataniman nang sumumpa ang mga ito na talagang puputol nga ang mga ito ng mga bunga niyon sa oras ng umaga habang mga nagdadali-dali upang walang makakain mula roon na isang dukha,