Surah Ash-Sharḥ (Ang Pagpapagaan) — سُورَةُ الشرح
بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ
iSa ngalan ni Allah, ang Pinakamaawain, ang Pinakamahabagin.
أَلَمْ نَشْرَحْ لَكَ صَدْرَكَ i
94:1Hindi ba nagpaluwag Kami para sa iyo ng dibdib mo [O Propeta Muḥammad]? (1)
وَوَضَعْنَا عَنْكَ وِزْرَكَ i
94:2Nag-alis Kami palayo sa iyo ng pasanin mo, (2)
الَّذِي أَنْقَضَ ظَهْرَكَ i
94:3na nakabigat sa likod mo. (3)
وَرَفَعْنَا لَكَ ذِكْرَكَ i
94:4Nag-angat Kami para sa iyo ng pagbanggit sa iyo. (4)
فَإِنَّ مَعَ الْعُسْرِ يُسْرًا i
94:5Kaya tunay na kasama sa hirap ay ginhawa. (5)
إِنَّ مَعَ الْعُسْرِ يُسْرًا i
94:6Tunay na kasama sa hirap ay ginhawa. (6)
فَإِذَا فَرَغْتَ فَانْصَبْ i
94:7Kaya kapag nakatapos ka [sa gawain] ay magpakapagal ka [sa pagsamba], (7)
وَإِلَىٰ رَبِّكَ فَارْغَبْ i
94:8at sa Panginoon mo ay magmithi ka. (8)