sa Araw na may itatambad na isang lulod [ni Allāh] at tatawagin sila [na mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw] tungo sa pagpapatirapa ngunit hindi sila makakakaya. Al-Qalam 68:42 ⧉
Tafsīr:
sa Araw ng Pagbangon na lilitaw ang hilakbot, magtatambad ang Panginoon natin ng lulod Niya, at tatawagin ang mga tao tungo sa pagpapatirapa kaya magpapatirapa ang mga mananampalataya at mananatili naman ang mga tagatangging sumampalataya at ang mga mapagpaimbabaw na hindi nakakakaya na magpatirapa.