Nagtataimtim ang mga paningin nila, may lumulukob sa kanila na isang kaabahan samantalang sila nga dati ay inaanyayahan sa pagpatirapa habang sila ay malusog. Al-Qalam 68:43 ⧉
Tafsīr:
Kaaba-aba ang mga paningin nila, may bumabalot sa kanila na isang kaabahan at isang pagsisisi samantalang sila nga dati sa Mundo ay hinihiling na magpatirapa kay Allāh habang sila ay nasa isang kalusugan mula sa anumang nasa kanila sa Araw na ito.