Tunay na ukol sa mga tagapangilag magkasala, sa piling ng Panginoon nila, ang mga hardin ng kaginhawahan. Al-Qalam 68:34 ⧉
Tafsīr:
Tunay na ukol sa mga tagapangilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, sa piling ng Panginoon nila, ang mga hardin ng kaginhawahan na magtatamasa sila sa mga iyon nang hindi napuputol ang kaginhawahan nila.