Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yūsuf — Talata 36 (Tagalog) — Bidyo

Yūsuf • Talata 36 sa 111 • Tagalog


وَدَخَلَ مَعَهُ السِّجْنَ فَتَيَانِ ۖ قَالَ أَحَدُهُمَا إِنِّي أَرَانِي أَعْصِرُ خَمْرًا ۖ وَقَالَ الْآخَرُ إِنِّي أَرَانِي أَحْمِلُ فَوْقَ رَأْسِي خُبْزًا تَأْكُلُ الطَّيْرُ مِنْهُ ۖ نَبِّئْنَا بِتَأْوِيلِهِ ۖ إِنَّا نَرَاكَ مِنَ الْمُحْسِنِينَ 36
Pagsasalin:
May pumasok kasama sa kanya sa bilangguan na dalawang binata. Nagsabi ang isa sa dalawa: “Tunay na ako ay nananaginip na ako ay pumipiga ng alak.” Nagsabi naman ang isa pa: “Tunay na ako ay nananaginip na ako ay bumubuhat sa ibabaw ng ulo ko ng tinapay, na kumakain ang mga ibon mula roon. Magbalita ka sa amin hinggil sa pagpapakahulugan nito. Tunay na kami ay nakakikita sa iyo na kabilang sa mga tagagawa ng maganda.” Yūsuf 12:36
Tafsīr:
Kaya ibinilanggo nila siya at may pumasok kasama sa kanya na dalawang binata sa bilangguan. Nagsabi ang isa sa dalawang binata kay Jose: "Tunay na ako ay nakakita sa panaginip na ako ay pumipiga ng ubas upang maging alak." Nagsabi naman ang ikalawa: "Tunay na ako ay nakakita [sa panaginip] na ako ay nagpapasan sa ibabaw ng ulo ko ng tinapay, na kumakain ang mga ibon mula roon. Magpabatid ka sa amin, O Jose, ng pagpapaliwanag ng napanaginipan namin. Tunay na kami ay nakakikita sa iyo na kabilang sa mga alagad ng paggawa ng maganda."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yūsuf • Talata 35 Susunod Yūsuf • Talata 37