Pagkatapos lumitaw sa kanila matapos na nakakita sila sa mga tanda [sa kawalang-sala] na talagang magbibilanggo nga sila sa kanya magpahanggang sa isang panahon. Yūsuf 12:35 ⧉
Tafsīr:
Pagkatapos nangyaring bahagi ng pananaw ng Makapangyarihan at ng mga kalipi nito, noong nakasaksi sila sa mga patunay ng kawalang-sala niya, na magbilanggo sila sa kanya, upang hindi mabunyag ang iskandalo, hanggang sa isang yugtong hindi nalalaman.