Kaya tumugon sa kanya ang Panginoon niya, saka naglihis palayo sa kanya ng panlalansi nila. Tunay na Siya ay ang Madinigin, ang Maalam. Yūsuf 12:34 ⧉
Tafsīr:
Kaya tumugon si Allāh sa dalangin niya, at nag-alis sa kanya ng panlalansi ng maybahay ng Makapangyarihan at panlalansi ng mga babae ng lungsod. Tunay na Siya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay ang Madinigin sa panalangin ni Jose at sa panalangin ng bawat dumadalangin, ang Maalam sa kalagayan niya at kalagayan ng iba pa sa kanya.