Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ar-Ra‘d — Talata 15 (Tagalog) — Bidyo

Ar-Ra‘d • Talata 15 sa 43 • Tagalog


وَلِلَّهِ يَسْجُدُ مَنْ فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ طَوْعًا وَكَرْهًا وَظِلَالُهُمْ بِالْغُدُوِّ وَالْآصَالِ ۩ 15
Pagsasalin:
Kay Allāh nagpapatirapa ang mga nasa mga langit at lupa nang kusang loob at labag sa loob at ang mga anino nila sa mga umaga at mga hapon. Ar-Ra‘d 13:15
Tafsīr:
Kay Allāh lamang nagpapasakop sa pagpapatirapa ang lahat ng sinumang nasa mga langit at sinumang nasa lupa. Nagkakapantay roon ang mananampalataya at ang mga tagatangging sumampalataya bagamat ang mananampalataya ay nagpapasakop sa Kanya at nagpapatirapa nang kusang loob. Hinggil naman sa tagatangging sumampalataya, nagpapasakop ito sa Kanya nang labag sa loob, gayong nagdidikta rito ang kalikasan ng pagkalalang dito na magpasakop sa Kanya nang kusang loob. Sa Kanya nagpapaakay ang anino ng bawat may anino kabilang sa mga nilikha sa simula ng maghapon at sa wakas nito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ar-Ra‘d • Talata 14 Susunod Ar-Ra‘d • Talata 16