Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ar-Ra‘d — Talata 14 (Tagalog) — Bidyo

Ar-Ra‘d • Talata 14 sa 43 • Tagalog


لَهُ دَعْوَةُ الْحَقِّ ۖ وَالَّذِينَ يَدْعُونَ مِنْ دُونِهِ لَا يَسْتَجِيبُونَ لَهُمْ بِشَيْءٍ إِلَّا كَبَاسِطِ كَفَّيْهِ إِلَى الْمَاءِ لِيَبْلُغَ فَاهُ وَمَا هُوَ بِبَالِغِهِ ۚ وَمَا دُعَاءُ الْكَافِرِينَ إِلَّا فِي ضَلَالٍ 14
Pagsasalin:
Ukol sa Kanya ang panalangin ng katotohanan samantalang ang mga dinadalanginan nila bukod pa sa Kanya ay hindi tumutugon sa kanila sa anuman kundi gaya ng nag-aabot ng mga palad niya sa tubig upang umabot ito sa bibig niya gayong ito ay hindi aabot doon. Walang iba ang panalangin ng mga tagatangging sumampalataya kundi nasa isang pagkaligaw. Ar-Ra‘d 13:14
Tafsīr:
Ukol kay Allāh lamang ang panawagan ng Monoteismo, na walang nakikitambal sa Kanya roon na isa man, samantalang ang mga anitong dinadalanginan ng mga tagapagtambal bukod pa sa Kanya ay hindi tumutugon sa panalangin ng dumadalangin sa mga ito sa anumang hiling. Walang iba ang panalangin nila sa mga ito kundi tulad ng isang uhaw na nag-aabot ng kamay niya sa tubig upang umabot ito sa bibig niya para uminom mula rito, gayong ang tubig ay hindi aabot sa bibig niya. Walang iba ang panalangin ng mga tagatangging sumampalataya sa mga anito nila kundi nasa isang pagkawala at isang pagkalayo sa tama dahil ang mga ito ay hindi nakakakaya ng pagdudulot ng pakinabang para sa kanila ni ng pagtutulak ng pinsala.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ar-Ra‘d • Talata 13 Susunod Ar-Ra‘d • Talata 15