Surah Al-Fatḥ (Ang Tagumpay — الفتح) (Talata 20)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




48 Al-Fatḥ(الفتح), Talata 20

وَعَدَكُمُ اللَّهُ مَغَانِمَ كَثِيرَةً تَأْخُذُونَهَا فَعَجَّلَ لَكُمْ هَٰذِهِ وَكَفَّ أَيْدِيَ النَّاسِ عَنْكُمْ وَلِتَكُونَ آيَةً لِلْمُؤْمِنِينَ وَيَهْدِيَكُمْ صِرَاطًا مُسْتَقِيمًا 20 ٢٠

Nangako sa inyo si Allāh ng maraming samsam na makukuha ninyo kaya minadali Niya para sa inyo ang mga ito at pumigil Siya sa mga kamay ng mga tao laban sa inyo, at upang ang mga [samsam sa digmaan na] ito ay maging isang tanda para sa mga mananampalataya at magpatnubay Siya sa inyo sa isang landasing tuwid [ng Islām]. (20)

Tafsīr
Nangako sa inyo si Allāh, O mga mananampalataya, ng maraming samsam na makukuha ninyo sa mga pagsakop ng Islām sa hinaharap kaya minadali Niya para sa inyo ang mga samsam sa Khaybar. Pumigil Siya sa mga kamay ng mga Hudyo noong nagbalak silang manakit sa mga mag-anak ninyo noong wala kayo, at upang ang mga minadaling samsam na ito ay maging isang palatandaan para sa inyo sa pag-aadya ni Allāh at pag-alalay Niya sa inyo, at [upang] magpatnubay sa inyo si Allāh sa isang daang tuwid na walang kabaluktutan doon.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba