Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ar-Ra‘d — Talata 26 (Tagalog) — Bidyo

Ar-Ra‘d • Talata 26 sa 43 • Tagalog


اللَّهُ يَبْسُطُ الرِّزْقَ لِمَنْ يَشَاءُ وَيَقْدِرُ ۚ وَفَرِحُوا بِالْحَيَاةِ الدُّنْيَا وَمَا الْحَيَاةُ الدُّنْيَا فِي الْآخِرَةِ إِلَّا مَتَاعٌ 26
Pagsasalin:
Si Allāh ay nagpapaluwag ng panustos para sa sinumang niloloob Niya at naghihigpit. Natuwa sila sa buhay na pangmundo gayong walang iba ang buhay na pangmundo [sa paghahambing] sa Kabilang-buhay kundi isang [panandaliang kaunting] natatamasa. Ar-Ra‘d 13:26
Tafsīr:
Si Allāh ay nagpapalawak sa panustos sa sinumang niloloob Niya at nagpapasikip sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Ang pagpapalawak sa panustos ay hindi isang palatandaan ng kaligayahan ni ng pag-ibig ni Allāh ni ang pagsikip nito ay isang palatandaan ng kalumbayan. Natuwa ang mga tagatangging sumampalataya sa buhay na pangmundo kaya sumandal sila at napanatag sila rito gayong walang iba ang buhay Mundo sa paghahambing sa Kabilang-buhay kundi isang natatamasang kaunti na lilisan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ar-Ra‘d • Talata 25 Susunod Ar-Ra‘d • Talata 27