Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ar-Ra‘d — Talata 27 (Tagalog) — Bidyo

Ar-Ra‘d • Talata 27 sa 43 • Tagalog


وَيَقُولُ الَّذِينَ كَفَرُوا لَوْلَا أُنْزِلَ عَلَيْهِ آيَةٌ مِنْ رَبِّهِ ۗ قُلْ إِنَّ اللَّهَ يُضِلُّ مَنْ يَشَاءُ وَيَهْدِي إِلَيْهِ مَنْ أَنَابَ 27
Pagsasalin:
Nagsasabi ang mga tumangging sumampalataya: “Bakit kasi walang pinababa sa kanya na isang tanda mula sa Panginoon niya?” Sabihin mo: “Tunay na si Allāh ay nagliligaw sa sinumang niloloob Niya at nagpapatnubay tungo sa Kanya sa sinumang nagsisising nanumbalik, Ar-Ra‘d 13:27
Tafsīr:
Nagsasabi ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa mga tanda Niya: "Bakit kaya hindi nagbaba kay Muḥammad ng isang tandang pisikal mula sa Panginoon niya na nagpapatunay sa katapatan niya para sumampalataya kami sa kanya?" Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagmungkahing ito: "Tunay na si Allāh ay nagliligaw sa sinumang niloloob Niya ayon sa katarungan Niya at nagpapatnubay tungo sa Kanya sa sinumang bumalik sa Kanya sa pamamagitan ng pagbabalik-loob ayon sa kagandahang-loob Niya. Ang kapatnubayan ay hindi nasa mga kamay nila upang itali nila ito sa pagpapababa ng mga tanda."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ar-Ra‘d • Talata 26 Susunod Ar-Ra‘d • Talata 28