Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ar-Ra‘d — Talata 38 (Tagalog) — Bidyo

Ar-Ra‘d • Talata 38 sa 43 • Tagalog


وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا رُسُلًا مِنْ قَبْلِكَ وَجَعَلْنَا لَهُمْ أَزْوَاجًا وَذُرِّيَّةً ۚ وَمَا كَانَ لِرَسُولٍ أَنْ يَأْتِيَ بِآيَةٍ إِلَّا بِإِذْنِ اللَّهِ ۗ لِكُلِّ أَجَلٍ كِتَابٌ 38
Pagsasalin:
Talaga ngang nagsugo Kami ng mga sugo bago mo pa at gumawa Kami para sa kanila ng mga maybahay at mga supling. Hindi naging ukol sa isang sugo na maghatid ng isang tanda malibang ayon sa pahintulot ni Allāh. Para sa bawat taning ay may pagtatakda [ni Allāh]. Ar-Ra‘d 13:38
Tafsīr:
Talaga ngang nagsugo Kami ng mga sugo bago mo pa, O Sugo, kabilang sa mga tao sapagkat ikaw ay hindi isang kauna-unahan sa mga sugo. Gumawa Kami para sa kanila ng mga maybahay at gumawa Kami para sa kanila ng mga anak gaya ng sa nalalabi sa mga tao. Hindi Kami gumawa sa kanila bilang mga anghel na hindi nagkakaasawa at hindi nagkakasupling. Ikaw ay kabilang sa mga sugong ito na mga taong nagkakaasawa at nagkakasupling. Kaya bakit nagtataka ang mga tagapagtambal sa iyong pagiging gayon? Hindi natutumpak ukol sa isang sugo na maghatid mula sa ganang kanya ng isang tanda maliban na magpahintulot si Allāh sa paghahatid niya niyon. Para sa bawat bagay na itinadhana ni Allāh ay may pagtatakdang bumanggit Siya rito niyon at may taning na hindi nauuna at hindi nahuhuli.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ar-Ra‘d • Talata 37 Susunod Ar-Ra‘d • Talata 39