Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ar-Ra‘d — Talata 37 (Tagalog) — Bidyo

Ar-Ra‘d • Talata 37 sa 43 • Tagalog


وَكَذَٰلِكَ أَنْزَلْنَاهُ حُكْمًا عَرَبِيًّا ۚ وَلَئِنِ اتَّبَعْتَ أَهْوَاءَهُمْ بَعْدَمَا جَاءَكَ مِنَ الْعِلْمِ مَا لَكَ مِنَ اللَّهِ مِنْ وَلِيٍّ وَلَا وَاقٍ 37
Pagsasalin:
Gayon Kami nagpababa nito bilang kahatulang [nasa wikang] Arabe. Talagang kung sumunod ka sa mga pithaya nila matapos na may dumating sa iyo na kaalaman, walang ukol sa iyo laban kay Allāh na anumang katangkilik ni tagasangga. Ar-Ra‘d 13:37
Tafsīr:
Tulad ng pagpapababa Namin ng mga kasulatang nauna ayon sa mga wika ng mga taong pinatungkulan ng mga ito, nagpababa Kami sa iyo, O Muḥammad, ng Qur'ān bilang pananalitang pagpapasyang naglilinaw sa katotohanan sa [wikang] Arabe. Talagang kung sumunod ka, O Sugo, sa mga pithaya ng mga May Kasulatan sa pakikipagsumamo nila sa iyo hinggil sa pag-aalis ng hindi umaayon sa mga pithaya nila matapos na may dumating sa iyo na kaalamang itinuro sa iyo ni Allāh, walang ukol sa iyo laban kay Allāh na isang tagatangkilik na tatangkilik sa nauukol sa iyo at mag-aadya sa iyo laban sa mga kaaway mo at walang ukol sa iyo na tagapagtanggol na magtatanggol sa iyo laban sa pagdurusang dulot Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ar-Ra‘d • Talata 36 Susunod Ar-Ra‘d • Talata 38