Ang mga binigyan Namin ng Kasulatan ay natutuwa [ang iba sa kanila] sa pinababa sa iyo, ngunit mayroon sa mga lapian na nagkakaila sa bahagi nito. Sabihin mo: “Inutusan lamang ako na sumamba kay Allāh at hindi magtambal sa Kanya. Sa Kanya ako dumadalangin at tungo sa Kanya ang uwian ko.” Ar-Ra‘d 13:36 ⧉
Tafsīr:
Ang mga binigyan Namin ng Torah kabilang sa mga Hudyo at ang mga binigyan Namin ng Ebanghelyo kabilang sa mga Kristiyano ay natutuwa sa pinababa sa iyo, O Sugo, dahil sa pagkasang-ayon nito sa ilan sa pinababa sa kanila. Mayroon sa mga pangkatin ng mga Hudyo at mga Kristiyano na nagkakaila sa ilan sa pinababa sa iyo na hindi umaayon sa mga pithaya nila o naglalarawan sa kanila ng pagpapalit at pagpilipit [ng kasulatan]. Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Nag-utos lamang sa akin si Allāh na sumamba ako sa Kanya lamang at huwag akong magtambal sa Kanya ng iba pa sa Kanya. Sa Kanya lamang ako dumadalangin at hindi ako dumadalangin sa iba pa sa Kanya at tungo sa Kanya lamang ang babalikan ko. Naghatid ng ganito ang Torah at ang Ebanghelyo."