Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ar-Ra‘d — Talata 35 (Tagalog) — Bidyo

Ar-Ra‘d • Talata 35 sa 43 • Tagalog


مَثَلُ الْجَنَّةِ الَّتِي وُعِدَ الْمُتَّقُونَ ۖ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ ۖ أُكُلُهَا دَائِمٌ وَظِلُّهَا ۚ تِلْكَ عُقْبَى الَّذِينَ اتَّقَوْا ۖ وَعُقْبَى الْكَافِرِينَ النَّارُ 35
Pagsasalin:
Ang paglalarawan sa Paraiso na ipinangako sa mga tagapangilag magkasala ay dumadaloy mula sa ilalim nito ang mga ilog at ang mga bunga nito ay namamalagi at ang lilim nito. Iyon ay ang pinakakahihinatnan ng mga tagapangilag magkasala, at ang pinakakahihinatnan ng mga tagatangging sumampalataya ay ang Apoy. Ar-Ra‘d 13:35
Tafsīr:
Ang katangian ng Paraiso na ipinangako ni Allāh sa mga tagapangilag magkasala sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya ay na ito ay dinadaluyan ng mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo nito at mga puno nito. Ang mga bunga nito ay namamalagi, hindi nauubos, na salungat sa mga bunga sa Mundo. Ang lilim nito ay namamalagi, hindi naglalaho at hindi umuurong. Iyon ay ang kahihinatnan ng mga nangilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Ang kahihinatnan naman ng mga tagatangging sumampalataya ay ang Apoy. Papasukin nila iyon bilang mga mamamalagi roon magpakailanman.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ar-Ra‘d • Talata 34 Susunod Ar-Ra‘d • Talata 36