Panginoon ko, tunay na ang mga [anitong] ito ay nagligaw sa marami sa mga tao. Kaya ang sinumang sumunod sa akin, tunay na siya ay kabilang sa akin; at ang sinumang sumuway sa akin, tunay na Ikaw ay Mapagpatawad, Maawain. Ibrāhīm 14:36 ⧉
Tafsīr:
"O Panginoon ko, tunay na ang mga anito ay nagligaw sa marami sa mga tao yayamang nagpalagay sila na ang mga ito ay namamagitan para sa kanila kaya natukso sila sa mga ito at sumamba sila sa mga ito bukod pa sa Iyo. Kaya ang sinumang sumunod sa akin kabilang sa mga tao sa paniniwala sa kaisahan Mo at pagtalima sa Iyo, tunay na siya ay kabilang sa kakampi ko at mga tagasunod ko; at ang sinumang sumuway sa akin kaya naman hindi siya sumunod sa akin sa paniniwala sa kaisahan Mo at pagtalima sa Iyo, tunay na Ikaw, O Panginoon ko, ay Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang niloob Mo na patawarin, Maawain sa kanila."