Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ibrāhīm — Talata 37 (Tagalog) — Bidyo

Ibrāhīm • Talata 37 sa 52 • Tagalog


رَبَّنَا إِنِّي أَسْكَنْتُ مِنْ ذُرِّيَّتِي بِوَادٍ غَيْرِ ذِي زَرْعٍ عِنْدَ بَيْتِكَ الْمُحَرَّمِ رَبَّنَا لِيُقِيمُوا الصَّلَاةَ فَاجْعَلْ أَفْئِدَةً مِنَ النَّاسِ تَهْوِي إِلَيْهِمْ وَارْزُقْهُمْ مِنَ الثَّمَرَاتِ لَعَلَّهُمْ يَشْكُرُونَ 37
Pagsasalin:
Panginoon namin, tunay na ako ay nagpatahan ng ilan sa mga supling ko sa isang lambak na hindi may pananim, sa tabi ng Bahay Mong Pinabanal, Panginoon namin, upang magpanatili sila ng pagdarasal. Kaya gumawa Ka sa mga puso ng ilan sa mga tao na nahuhumaling sa kanila at magtustos Ka sa kanila mula sa mga bunga nang sa gayon sila ay magpapasalamat. Ibrāhīm 14:37
Tafsīr:
Panginoon namin, tunay na ako ay nagpatahan ng ilan sa mga supling ko – ang anak kong si Ismael at ang mga anak niya – sa isang lambak (ang Makkah) na walang pananim doon at walang tubig, sa karatig ng Bahay Mong Binanal. Panginoon namin, nagpatahan ako sa kanila sa karatig niyon upang magpanatili sila ng pagdarasal doon. Kaya gawin Mo, O Panginoon ko, ang mga puso ng mga tao na nananabik sa kanila at sa bayang ito. Magtustos Ka sa kanila mula sa mga bunga, sa pag-asang magpasalamat sila sa Iyo sa pagbibiyaya Mo sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ibrāhīm • Talata 36 Susunod Ibrāhīm • Talata 38