Panginoon namin, tunay na Ikaw ay nakaaalam sa anumang ikinukubli namin at anumang inihahayag namin. Walang nakakukubli kay Allāh na anuman sa lupa ni sa langit. Ibrāhīm 14:38 ⧉
Tafsīr:
Panginoon namin, tunay na Ikaw ay nakaaalam sa bawat inililihim namin at bawat inilalantad namin. Walang nakakukubli kay Allāh na anuman sa lupa ni sa langit, bagkus nakaaalam Siya nito kaya hindi naikukubli sa Kanya ang pangangailangan natin sa Kanya at ang karalitaan natin.